Welcome to NSDAPS Family! Rev. Fr. Glenn William Z. Relucio, Ph.D.
Malugod at buong-pusong tinatanggap ng Aranzan Community ang ating bagong School Director!
Isang bagong yugto ng pamumuno, paglilingkod, at paghubog ang ating sinasalubong. Nawa’y maging makabuluhan at puno ng biyaya ang inyong presensiya sa paaralan, habang sama-sama nating itinataguyod ang isang komunidad na nakaugat sa pananampalataya, kahusayan, pagkakaisa, at malasakit.
Nawa’y sa inyong paggabay ay patuloy na mapalalim ang aming ugnayan sa Diyos, mapalakas ang aming paglilingkod sa kapwa, at mahubog ang bawat Aranzan upang maging mabuting halimbawa sa ating komunidad.
Mula sa buong Aranzan Family, maligayang pagdating po!
Welcome to the Aranzan Family, our new School Director! May God bless you abundantly in your ministry of leadership and service.
One Aranzan. One Mission. One Faith.