|
PATNUGUTAN
SY 11-12
Punong Patnugot:
Jethro Daryll Pugal
Pangalawang Patnugot: Alyssa Guardiano
Tagapamahala:
Stephanie Cruz
MGA PATNUGOT SA INGLES
Patnugot Pampanitikan: Arch Demerie
Ahunin
Patnugot sa Balita:
Recille Mae Atayde
Patnugot sa Isports:
Aldrin Bandiling/
Ana Frayna
Patnugot sa Tanging Lathain
Ivan Gabriel Vecina
MGA PATNUGOT SA FILIPINO
Patnugot Pampanitikan: Mervin Olivera
Patnugot sa Balita:
Ma. Kristine Carla
Tuting
Patnugot sa Isports:
Mark Steven
Rivera
Patnugot sa Tanging Lathalain:
Ray Gregorie Vaño
TAGAPAYO
Gng. Jannette M. Dominguez (Filipino)
Bb. Julie Ann M. Pajardo (English)
KASANGGUNI
Gng. Purifi cacion Singueo
Punong-guro
MGA NAG AMBAG
MANUNULAT
Villasana, Troy
Caacbay, Almira Darice
Laxamana, Danica Camille
Vasquez, La Cheska
San Jose, Ramiela
De Leon, Miguel
Cruz, Joel Andrew
Caragay, April Grace
Estanislao, Jon Karl
Nacinopa, Ma. Theresa
Alvarez, Chanelle Keith
Neri, Marie Angeline Izzabelle
Manahan, Edward Joseph
Tuquero, Merill
Dimabayao, Bryan
Perucho, Ayshea
Valencia, Camille
Sibulo, Tesa Jian
Gonzales, Mildred
Libongcogon, Regina
Flancia, Maria Rafaela
KARTUNIST
Ma. Pamela Joyce Buca
Lireil Ann Aranas
Michael Eugene Asinas
Michael Asinas
James Hernaez
TAGAKUHA NG LARAWAN
Charina Tejero
Joshua Hechanova
Rhod Jessie Barrera |
 |
| |
 |
Aranzes, isang dekada na!
Paglalakbay (ni Bb. Joy Prado)
Baller, Baller, bakit lubha kang sumikat
Mura na, siguradong busog ka pa
Aranzes, isang dekada na!

ni: JAMP
Nagsimula sa wala, ngayon ang Aranzes ay 10
taon na!
Taong 2001, sa pagnanais ng punong
direktor noon na si Msgr. Mariano Balbago, Jr. na
magkaroon ng pahayagan ang ating paaralan, sinimulan
ang pagkakaroon ng elective class ng Basic Journalism
sa Ikatlong taon. Naatasan si Bb. Cecilia Rose Torres
upang magturo na kursong ito bilang paghahanda sa
pagbuo ng unang imprenta ng minimithing pahayagan.
Samantala, pinag-isipan naman ng husto kung ano
ba ang nararapat na maging pangalan nito. Sa suhestiyon
ng punong-guro na si Gng. Perla Magculang, nabuo
ang pangalang Aranzes na halaw sa mga katagang
“Arantsan! zu? Tu en el espino? (”Mahal na Ina, nasa
katinikan kayo?”) na nasambit ni Roberto Balzategui
ang pastol na nakakita sa Mahal na Birhen na nasa katinikan.
Sa pamamagitan ng unang patnugot nito na si
Veronese Ciabal at magkasamang husay nina Bb. Torres
at G. Andres Bonifacio, Jr. bilang tagapayo, tuluyan
nang nailathala ang unang isyu ng Aranzes taon 2002.
Ipinagpatuloy ito ni Kristine Joy Tolentino patnugot
ng taong 2003 sa tulong ng kanyang mga tagapayo na
sina Bb. Julie Ann Pajardo at Bb. Jannette Mejica (Gng.
Dominguez na ngayon). Mula sa broadsheet type na
papel, napalitan ang isyu sa tabloid size na inimprinta sa
sariling makinang risograph ng paaralan. Matatandaang
kulay asul ang tintang ginamit sa pahayagan na naging
akma sa ating kulay.
Kasunod nito naitalaga naman si Rupert Francis
Mangilit upang manungkulan bilang patnugot taong
2004. Dito na nagsimulang paghiwalayin ang isyu
ng elementarya at hayskul. Sa pamamagitan din nito
ang kasanayan ng mga batang Aranzan ay unti-unting
nahahasa. Magkatuwang na binuo ni G. Andlen Go at
Gng. Purifi cacion Singueo ang isyu sa elementarya.
Nagkaroon ng seminar-workshop para sa mga magaaral
na nagnais maging manunulat.
Sa sumunod na taon naging tagapayo sina G.
Go at Bb. Marie Pie Bince sa hayskul. Si Kristine Carla Oplehida ang nanungkulan bilang patnugot.
Bumalik sa dating sukat na broadsheet ang Aranzes.
Dito rin nagsimulang sumali ang mga Aranzan saMAPSA seminar-workshop on Campus Journalism. Sa
elementarya naman, si Bb. Amalia Galvez ang namahala
bilang tagapayo.
Taong 2006, sa pagpasok ng bagong punong
direktor na si Fr. Gerard Joaquin V. Masangya (na
siyang direktor pa rin sa kasalukuyan), nagkaroon ng
maraming pagbabago sa Aranzes. Naatasang muli sa
tungkulin bilang tagapayo sina Bb. Pajardo at Gng.
Dominguez na pinamunuan ni Francis Claire Baltazar.
Mula sa angking galing sa paglalapat gamit ang computer
matiyaga namang pinag-isipan ni Marco Lorenzo Ferrer
ang disenyo ng nameplate at ng mga kolum ng Aranzes
mula sa orihinal na konsepto ni G. Go.
Kasama sa mga pagbabagong naganap noong
2007 ang pagkakaroon ng honor class. Mula ditonapili naman si Michelle Mordeno bilang patnugot na
gumawa ng malaking kontribusyon sa kasaysayan ng
Aranzes bunga ng kanyang dedikasyon. Nakamit ng
Aranzes ang 13 karangalan sa kauna-unahang MAPSA
Presscon. Nailathala rin ang Aranzes sa de-kulay na isyu.
Nagkaroon din ng sariling logo ang Aranzes Journal
mula sa dibuho ni Jorge Paolo Jorge. Samantala, si Bb.
Liezel Tomas naman ang namahala bilang tagapayo sa elementarya.
Ipinagpatuloy ni Mark Kenneth Cabusay ang
magandang kabanata ng Aranzes matapos humakot
muli ng 20 karangalan sa ikalawang MAPSA Presscon,
taong 2008. Gumawa ng marka ang Aranzes sa MAPSA
matapos masungkit ni Sophia Dela Paz ang unang
puwesto sa unang sabak ng photojournalism. Kasama sa
mga pagbabagong ito ang pagkakaroon ng hiwalay naisyu ng Filipino at Ingles Sinimulan rin ang paglalathala
ng kauna-unahang Aranzes literary folio na may pamagat na Hinumduma, mula sa nanalong disenyo ni
Sashima Lei Omotoy. Ang literary folio ay kalipunan
ng mga malikhaing komposisyon na binubuo ng tula,
sanaysay, kwento, awit, larawan, at dibuho.
Taong 2009, ipinasa naman kay Neo John Tuquero
ang responsibilidad ng pagiging patnugot. Buong husay
niyang pinagtanggol ang korona ng Aranzes matapos mapanatili ang pwesto sa ikatlong MAPSA Presscon
at humakot ng 23 karangalan at depensahan muli ang titulo ng Photojournalism.Ito na marahil ang pinakamagandang regalong
nakamit ng Aranzes matapos makamit ang ikalawa
sa pinakamataas na puwesto sa 4th MAPSA Presscon.
Pinagsumikapan ito ng pamunuan ni Christian Jay
Fabon (produkto ng Aranzes sa elementarya) makaraang
sumalang sa ilang seminar-workshop at training ang
bawat miyembro. Napanatili sa tatlong sunod na taon
ang titulo ng photojournalism sa pamamagitan ng
pagkapanalo ni Alyssa Testa.
Samantala sa aktibong pamumuno nina G. Albert
Lagrimas at Bb. Ma. Teresa Bitonio, bilang tagapayo
nagkaroon sila ng overnight stay sa paaralan upang
gawin at paghusayin ang isyu ng Aranzes sa elementarya.
Bunga nito sa kauna-unahang pagkakataon sila ay
nakapaglathala ng full-colored magazine type. Ang
literary folio na may pamagat na Pandesal (PAnitikan,
DEsenyo, SALamin ng buhay).
Ngayong taon isang malaking hamon mula sa
patnugutan ng Aranzes sa pamumuno ni Jethro Daryll
Pugal ang tumbasan o di kaya ay higitan ang tagumpay
nito. Ngunit wala namang imposible kung ang bawat isa
ay magsusumikap sa kanilang tungkulin at layunin.
Sa sampung taon ng Aranzes ito ay hindi lamang
naging saksi sa mga pangyayaring naganap sa loob
at labas ng paaralan, kundi isa rin itong hulmahan na
nagsanay ng mga mag-aaral para isabuhay ang motto ng
ating paaralan—ang maging ilaw ng katotohanan.
Mabuhay ang mga taong nagtaguyod at tumataguyod sa Aranzes!
Mabuhay ang Aranzes
UP^
|  |
Paglalakbay
ni Bb. Joy Prado
Ang buhay ay isang paglalakbay. Minsan sa pagtahak dito, iba’t -iba ang
iyong nararanasan, minsan may malinis at mayroon ding masukal. Minsan sa
ating paglalakbay, hindi mo masasabing maari kang mabuhay sa sarili lamang,
bahagi tayo ng lipunan na ating kinaaniban.
Marami na akong nalakbay na mga lugar sa Pilipinas at maging sa ibayong
dagat ang Estados Unidos. Marami na ring lugar at iba’t-ibang pribadong
paaralan na aking pinasukan. Sa aking karanasan masasabi kong iba-iba ang
aral na aking natutuhan, maging ang karanasan sa mga tao maging lider man ito
o hindi na nakasalamuha at nakausap ko. Ito ang dahilan kung bakit nahubog ang
aking pagkatao bilang edukador, lider, mananaliksik, manunulat, at enterprenyur.
Ang Nuestra SenoraAranzazu Parochial School
ay panglima sa pribadong
paaralang pinasukan ko.
Nagustuhan ko ang paralang
ito sa dahilang malapit sa
aking irahan, may retreats
na isinasagawa taun-taon,may iba-ibang out reach
program at higit sa lahat
malapit ang paaralan
sa simbahan na siyang
dahilan kung bakit ko ito napili. Ang simbahan na madalas kong pinupuntahan
ang pinakapangunahing dahilan kung bakit ako naririto ngayon, isang paraan
upang lalo pang mapaigting ang relasyon ko sa Panginoong Maykapal.
Batid kong bilang isang guro o edukador, ay mayroon akong misyon na
dapat isakatuparan sa mga Aranzan, ang maglingkod sa mga mag-aaral, ang tulungan silang makamit ang kaalamang dapat nilang matutunan.
Sa mga kapwa guro sa iba’t-ibang departamento,
ako naman ay nasisiyahan sa kanila tuwing sila ay aking
nakakasama sa mga pagpupulong, mga isinsagawang
pagdiriwang, seminar at retreats. Masasabi kong isa silang
biyaya sa kanilang pagiging mababait, madaling lapitan at masayahin.
Sa mga administrador, na nahinog na sa panahon,
bagamat maraming problemang kinakaharap ay nananatiling
bata, masisigla, mapagbigay sa kanilang mga iba’t ibang
kaalaman at karanasan, palakaibigan at maasahan sapanahon ng kagipitan.
Sa mga Aranzans, makikita sa kanilang gawi ang larawan
ni Kristo, isang Aranzang palasimba madasalin at higit sa lahat ay aktibo sa iba’t-ibang gawain sa paaralan at masiglang nakikilahok sa mga
iba’t ibang out reach program ng paaralan. Handang tumulong at magbahagi ng
kanilang galing at talento.
Isang biyaya rin ang makapiling ang mga miyembro ng RCY, sa kanilang
out reach program sa Sitio Ibayo dito ko naranasan ang makasama ang aking
pamilya sa paaralan ang perseverance family na pinamumunuan ng tanging ina
na si Doris Villamor. Isang hamon sa aking sarili na lalo pa akong makilahok sa
ibat’t ibang out reach program sa pamayanan.
Kaya nakibahagi ako sa iba’t ibang out reach program na isinagawa ng Rotary
Club. Nagbahagi ako ng tulong mga Rotarians sa Calumpit, Bulacan na kung saan ay nagsagawa ng Disaster Relief Operation upang mabahaginan ng relief goods ang 560 pamilya na nabaha
ngayong taon. Nasundan pa ito ng
feeding program ng Guitnangbayan
1 na sinuportahan ng Rotary Club
San Mateo Rizal, kung saan ito ay
binubuo ng 65 na batang walang sapat na sustansya sa katawan o ang
mga tinatawag nating malnourished
sa Divine Mercy. Binabalak ko rin
bisitahin ang mga kulungan sa
San Mateo, Rizal kasama ang mga
Rotarians sa mga susunod pang Linggo upang sila ay makausap, turuan na linanginang kanilang kakayahan at talento kahit sila ay nasa kanilang selda.
Ilan lamang ito sa aking gustong gawin, mas malawak pa ang aking
pangarap o gustong makamit. Ang pangarap na sa palagay ko ay hindi lang
para sa akin kundi sa mamamayang Pilipino na tulungan ang mga ito na maging
mulat sa kanilang kalagayan sa buhay at gumawang aksyon upang masugpo o
malabanan ang kahirapan na kanilang nararanasan at huwag umasa na lamang
sa kaunting tulong ng pamahalaan.
Sa mga itinuturing kong kaibigan, sa paaralang ito na sina Dra. Terry
Amado, Jannette Dominguez, Doris Villamor, Melai Camaso, Jose Procalla,
Danny Villanueva, Francis Licup at Annabelle Andres at iba pa……Sila ang mga
taong nakasama ko sa maikling panahon ng aking paglalakbay sa Aranzazu
na sa kanilang munting paraan ay nagdagdag ng kinang sa aking makulay
na paglalakbay, at umaasa akong makakasama pa sa aking mahaba subalit
makabuluhang paglalakbay.
At higit sa lahat, ang di ko kailanman makakalimutan ang kaunting panahon
na pakikipag-usap at lalo pa na makasalamuha sa kanyang 44 na kaarawan, ang ating Direktor/ Padre Gerry Masangya, sa maiklingpanahong iyon, masasabi kong isa siyang tunay
na lider, maka diyos, makatao at makabayan. Ang
repormistang pinuno na ang tanging ninanais ay
isang makabuluhang pagbabago, upang maiangat
ang kalidad ng paaralang kanyang pinamumunuan..
Sa lahat ng naganap sa buhay kong ito,
marami akong natutunan. Ang pagpapahalaga sa
pananampalataya sa Poong Maykapal, kahusayan
sa ating propesyon at serbisyong totoo na wala ng
hinihintay na kapalit sa institusyon o pamayanan na
ating kinabibilangan.
Sabi nga ni Alvin Tofl er awtor ng “New Wave” na
aklat . Ang permanente lamang daw sa mundong ito ay pagbabago. Ang buhay
ng tao ay maikli lamang at punom-puno ng pagbabago. Sa mga pagbabagong
nagaganap sa bawat segundo, minuto, oras, araw-araw, linggo at iba pa ay
kailangan tayong makiayon o makibagay.
Anumang lakbayin ko o iba pang pinaplano kong paglalakbay sa hinaharap.
Natutunan ko na ang paglalakbay ay daan upang mabago ang siglo o kabanata ng buhay ng tao.
UP^
| |
Baller, Baller, bakit lubha kang sumikat
ni: Recille Mae Atayde, IV-E
Isa sa mga pamosong palamuti sa katawan na madalas makikita
sa mga kabataan ngayon ay ang baller o baller bands. Hindi maikakaila
na biglaan ang pagsikat ng mga ballers lalo na dito sa ating paaralan.
Halos lahat ng mga mag-aaral ay pinagkakagastusan ang mga isangpulgadang-
goma na ito at isinusuot ng sabay -sabay sa kanilang mga
braso, kadalasan ay hindi nakukuntento sa isa kaya’t umaabot ng
dalawa o higit pa ang isinusuot. Ngunit, ano nga ba ang mayroon sa
baller kung kaya’t lubha nitong nahumaling ang mga kabataan?
Ang baller ay nagsasalita. Huwag kunin ng literal, ang baller ay
hindi literal na nagsasalita ngunit nakapagbibigay ng mensahe sa mga
nakakabasa ang mga nakasulat rito. Ito ang isa sa mga dahilan kung
bakit ito ay sumikat. Bukod sa ito ay makulay at maraming palamuti,
mayroon itong mensahe o pahayag na kung saan ay naiintindihan
at nakakaugnay ang kapwang nagsusuot at nakakakita nito. Katulad
lamang ito ng mga statement shirts (mga t-shirt na salita o pahayag
ang disenyo), na naging pamoso rin noon. Nagiging daan din ito
upang maipahayag ng mga kabataan ang kanilang mga iniidolo,
ideya at kagustuhan. Naging patok at pasok sa mga kabataan ang
mga ganitong disenyo kaya naman hanggang ngayon ay fashion
statement na ang mga ito.
Ang baller o baller bands ay iba-iba. Ang
mga disenyo at mensahe ay umaangkop sa
bawat isa.
Ikaw, anong sabi ng baller mo?
UP^
|

ni: Lireil Aranas
Bagong mga pasilidad, mga
guro, estudyante at halos lahat
ng may pagbabago. At kasama
na din ang pagbabago ng mga
pagkaing itinitinda sa ating kantina.
Pagkaing abot-kaya na, masarap
pa. Ito marahil ang patok na patok
na binibili ng mga estudyante, ang
mga Street Foods o “mga pagkaing
kalye” na hindi lamang ngayon
itinitinda sa labas, kundi mayroon
na din sa ating eskwelahan. Ang
karaniwan alam ng karamihang
Juan dela Cruz ay ang Betamax,
Helmet, Adidas, Isaw, Kwek-kwek,
Tokneneng at marami pang iba. At
marami tayong pagpipilian sa mga
Street foods na may protina na
pasok sa “Food Pyramid”.
Ang ilan sa mga Street foods na
ito ay ang kikiam na nagkakahalaga
ng P10 kada sampung piraso na
kahalintulad din ng mga presyo ng
squidball, kwek-kwek at ang pinaka
mabili na cheesestick na may hatid
din na sustansya at mabibili na din
sa murang halaga. May kaugnayan
din ito sa tema ng Nutrition Month na
naglalayon na kumain tayo ng mga
masusustansyang pagkain na tungo
sa malusog na pangangatawan.
Ayon sa nakausap kong
estudyante na mahilig kumain
ng mga Street Foods, maganda
ang ginawang aksyon ng ating
eskwelahan sa pagdaragdag
ng mga ganitong pagkain dahil
masisiguro ng mga estudyante ang
kalinisan at kaayusan kung paano
ito inihanda at sa paraan din ng
pagluluto. Makatitiyak din na hindi
ito magdudulot ng anumang sakit
dahil siguradong maluluto ito ng
maayos.
UP^
|